Wednesday, January 5, 2011

4 na PINOY sosyo sa unahan sa 1st HD BANK Cup Open sa Vietnam

Agad nagparamdam ang mga Pinoy chessers sa pagsisimula ng 1st HD Bank Cup Open Chess Tournament na ginaganap Sa Ho Chi Minh City,Vietnam nang dumalawang sunod na panalo kaagad sina GM John Paul Gomez,GM Darwin Laylo,IM Oliver Dimakiling at IM Richard Bitoon. Kasosyo ang lima(5) pang pambato ng Vietnam na kinabibilangan ng paboritong si Le Quang Liem(2664);FM Nguyen Duc Hoa;IM Nguyen Thanh Son at WIM Nguyen Thi Mai Hung.Kasama rin sa sampu (10) nangunguna sina Chinese Grandmaster Zhao Jun at Zhou Weiqi na tumalo kay Cebu City bet Kim Yap. Ang balikbayan na si GM Roland Salvador ng Bulacan nalaglag sa ika-11 hanggang ika 23 puwesto sa kartang isang panalo at isang tabla,kasama ang kababayang si IM Oliver Barbosa ng Rizal;kasama din sa grupo ang Vietnamese number 2 and 3 top players,GM Dao Thien Hai at Nguyen Ngoc Truong Son. Nagpasikat din ang pinagmamalaki ng Laguna province na si Rodolfo Panopio Jr nang gapiin niya ang sumisikat na IM ng Singapore na si Daniel Howard Fernandez.Minalas naman si Emmanuel Senador ng makalasap agad ng dalawang sunod na talo.Wagi naman si GM Darwin Laylo kay FM Haridas Pascua ng Pangasinan.Natablahan naman ni Merben Roque si GM Dao Thien Hai nuong unang round.

No comments:

Post a Comment

Featured Post

Marc"Ballen"Baltazar is 2018 Caloocan City Fiesta chess champ!

The champion Marc "Ballen" Baltazar  Marc Baltazar defeated top seed Sammy Benitez and second seed Christian Del...